Sa nakalagay ngayon sa serye ng diversity at inclusiondito saEnvato Tuts+, titingnan nating mabuti ang mahalagang paksa ng unconscious bias. Matututunanmo kung ano ang unconscious bias, bakit ito ay mahalaga, at ano ang magagawa mopara mapaglabanan ang iyong sariling biases (at matulungan ang iyong mgaempleyado na gawin din ito).
Kung hindi ka sigurado bakit importante ang paksang ito, tandaanna ang iyong unconscious brain ay pino-proseso ang impormasyon ng 200,000 nabeses na mas mabilis kaysa sa iyong conscious mind. Naghahanap ito ng mapag-paparisan,at nakaka-impluwensiya sa iyong pag-uugali sa ayaw at gusto mo, malamang kahitna hindi mo alam kung ano ang nangyayari.
Ang kakayahan na makagawa ng mabilis na pagpapasya aymahalaga, subalit maaari din itong humantong sa pagkakamali kapag angunconscious associations na iyon ay batay sa maling impormasyon. At lagi tayongnakakakuha ng maling impormasyon – magbibigay ako ng mga halimbawa mamaya.
Sa konteksto ng negosyo, ang iyong implicit biases aymaaaring humantong sa alinman sa mga sumusunod na problema:
- Pagkuha ng maling aplikante para sa isang trabaho
- Maling pagpapakahulugan sa iyong customers
- Pagturing nang mas mababa sa mga empleyado at hindi ganapna nagagamit ang kanilang mga kakayahan.
- Nagiging daan para ang mga magaling na empleyado aymabigo at umalis
- Pag-promote sa hindi nararapat na empleyado nang higit sakanilang mga kakayahan
- At marami pang iba
Pinag-uusapan natin dito ang tungkol sa biases namaaaring maka-apekto sa bawat desisyon na iyong gagawin sa iyong buhay negosyo,subalit karamihan sa mga taong kilala ko ay sadyang walang alam tungkol dito.Ang kaalaman tungkol sa unconscious bias at pagtuklas ng ilang paraan paramapaglabanan ito ay sadyang makakatulog sa iyo para maging matagumpay ka saiyong karera at makamit ang marami pang tagumpay sa iyong buhay negosyo, habangpinapakitunguhan mo ng pantay-pantay angmga tao at makatulong sa ikabubuti ng mundo.
Kung sa tingin mo ito ay magandang ideya, ipagpatuloy angpagbabasa!
1. Ano ang Unconscios Bias?
Magbalik-tanaw sa iyong buhay dati, at subukang tandaanlahat ng impormasyon na nakalap ng iyong utak simula noong ikaw ay ipinanganak.
Imposibleng magawa ito, siyempre. Mula sa unang-unangpakikipag-ugnayan ng iyong mga magulang sa paaralan, trabaho, telebisyon, anginternet, mga kaibigan, mga taong hindi kakilala, mga aklat, pelikula atmilyun-milyong iba pang bagay, ang iyong utak ay tumanggap ng hindi mo akalaingdami ng impormasyon tungkol sa mundo sa kahabaan ng iyong buhay.
Ginamit ng iyong utak ang lahat ng impormasyon na iyonpara iugnay at gumawa ng pagtutularan para matulungan ka na maintindihan kungpaano ang kalakaran sa mundo. Ang mga pag-uugnay na iyon ay sadyang nasa atingmga utak at di na mababago hanggang sa puntong kumikilos tayo kahit hindi natinsadyang iniisip ang mga iyon.
Ang ilan sa mga kasalukuyang ugnayan ay mahalaga.Halimbawa, kapag nakikita mo ang pulang ilaw, hindi mo na kailangang maglaan ngoras sa pagtataka kung ano ang ibig sabihin nito-ititigil mo na lang angbrakes.
Subalit ang iba ay hindi mahalaga.Ang pinagtutuunan natinng pansin sa pagtuturong ito ay may kinalaman sa mga grupo ng tao at angkanilang mga katangian. Halimbawa, maaaaring hindi mo sinasadyang maiugnay angmga babae sa pamilya higit pa sa mga pang-gawaing tungkulin, o maaari mongmaiugnay ang mga tao sa ibang etniko sa pangit na pag-uugali. Maaaring ikaw ay naniniwala na ang mga matatanda ay maskaunti na lang ang maibibigay sa trabaho (o maaaring pareho din ang iyongpaniniwala sa mga mas bata). Ito ang mga unconscious biases, na tinatawag dinna implicit biases.
Consciously, marahil alam natin na ang ganitonggeneralisations tungkol sa malaking grupo ng tao ay walang basehan, subalit unconsciously,ang iyong utak ay nakabuo na ng ugnayan mula sa magulo at nakakalitongimpormasyon na kailangan mong ayusin sa kabuuan ng iyong buhay.Ang unconsciousbiases na ito ay maaaring tungkol sa kasarian, lahi, edad, o ilan sa iba panguri ng pagkakaiba-iba na tinalakay natin kanina sa pagtuturong ito.
Saan Nanggagaling ang Unconscious Bias?
Mula sa sikat na eksperimento sa manika ni Kenneth atMamie Clark hanggang ngayon, batay sa pagsasaliksik ipinapakita na karamihan samga biases na ito ay nabubuo ng maaga mula sa pagkabata. Sa isang kasalukuyangpag-aaral nakita na ang pagtuturo ng mga prejudiced na ideya ay nauuwi sapagbuo ng pangit na pag-uugali ng mga bata sa ibang grupo, kahit na angkanilang sariling karanasan ay magaganda. Sa isa pang pag-aaral ay nakita na kahit na ang malinawna hindi nakakasamang kasanayan sa loob ng paaralan katulad ng pagsasabing mga guro ng “ Magandang umaga mgababae at lalaki “ o kaya ang hiwalay na paglilinya ng mga lalaki at babae aynauuwi sa pagkakaroon ng mga bata ng stereotype sa kasarian at diskriminasyon sapagpili ng kalaro.
At sa mahabang panahon ng stereotypes at palagay na iyongnabasa sa media o narinig mula sa mga kaibigan at pamilya o sa mga ipinapakitasa mga aklat at pelikula, hindi nakakapagtaka na nagkaroon ka ng unconsciousbiases. Isang milagro kung wala ka nito.
Huwag Mong Pahirapan Ang Iyong Sarili
Ang pagkakaroon ng unconscious biases ay hindi nangangahuluganna ikaw ay masamang tao. Dahil sa totoo lang ito ay nabuo sa unconscious naproseso batay sa iba pang impormasyon na nagsimula pa sa pagkabata. Mamaya sa pagtuturong ito, kapag pumunta tayo sa pag-aayosnito, magugulat ka sa ilan sa ating biases o gusto nating itanggi ng pagkakaroonnito. Maaaring sigurado ka na ikaw ay hindi bias, na hindi ikaw ganyan.
Subalit hindi naman ito ang punto dito—ang mga ito ayunconscious biases, siyempre hindi ibig sabihin ay nagtutugma ito sa iyong pinanghahawakangpaniniwala. Ang conscious o explicit bias ay sadyang magkaibang bagay, at itoay uri ng malinaw na diskriminasyon sa lahi o diskriminasyon sa kasarian namadalas naiisip natin kapag iniisip natin ang prejudice sa opisina. Subalit ang unconscious bias ay maaari ding nakakasira, atito ay nagiging laganap (tingnan ang graph sa ibaba), kaya mangyari lang nasubukang tanggapin ang anumang biases na mayroon ka at tumuon lang sapagsasagawa kung paano malampasan ang mga ito.
2. Ang Epekto ng Unconscious Bias sa Trabaho o Opisina
An gating unconscious biases ay nakakaapekto sa bawatdesisyon na gagawin natin, at humahantong ito sa masalimuot na kinalabasan.Halimbawa, narito ang mga resulta ng iba’t ibang pag-aaral sa pang- akademiya,na inipon ng mga mananaliksik sa Unibersidad ng North Carlina Kenan – FlaglerBusiness School:
- Ang suweldo ng mga babaeng Blond ay mas mataas ng 7%kaysa sa brunettes o redheads.
- Sa bawat 1% na taas sa body mass ng babae, mayroon namang0.6% na baba sa kinikita ng pamilya.
- Ang “mature-faced” na tao ay mayroong kakaibang bentahesa karera kaysa sa “baby-faced” na tao.
- Ang parehong lalaki at babaeng siyentipiko ay malamang sakumuha ng lalaki, gawing silang mas mataas sa hanay pagdating sa pagigingmagaling kaysa sa babae, at bayaran sila ng higit sa $4,000 bawat taon kaysa samga babae.
- Ang mga aplikante sa trabaho na may “ tipikal na white”na pangalan ay nakakatanggap ng 50% na masdami ng pangalawang tawag kaysa sa may “tipikal na black” na pangalan.
- 58% ng Fortune 500 CEOs ay halos six feet ang taas, kungsaan nasa 14.5% ng pangkalahatang populasyon ng lalaki ay may ganyang taas osukat.
Naniniwala ka ba na ang matataas na tao ay mas epektibongCEOs? Naniniwala ka ba na ang blonde na mga babae ay nararapat na kumita ng masmataas kaysa sa brunettes? Hindi ako naniniwala dito. At marami pang iba napag-aaral na ipinapakita ang mas marami pang magulong resulta o kinalabasan saiba’t ibang grupo ng tao.
Ang mga resulta ay malinaw na hindi makatarungan para samga taong galing sa maling paniniwala ng malawak na pinagsama-samang stereotypesng lipunan. Iyan, ay sapat na magandang dahilan sa kahit na sinong maayos na pinunong negosyo na naisin na gumawa ng hakbang para malampasan ang bias.
Subalit kung nais mo ng iba pang dahilan, tandaan na angmga resulta ay masama din sa kabilang na negosyo. Walang board ng mga direktorng kumpanya ng Fortune 500 ay umupo at nagsabing, “OK, pipiliin natin anglalaking ito dahil siya ay matangkad.”Subalit sa istatistika ipinapahiwatig naang tangkad o taas ay isang unconscious na bagay hindi lang sa kanilangpagpapasya, gayon din sa libu-libong ibang pang desisyon sa kabuuan ng karerang mga CEO na iyon at pati na ang kanilang mga katunggali. Kung ang tangkad ay walang kinalaman sa abilidad ngpamumuno (at sa tingin ko ay lahat tayo ay sasang-ayon dito), kung gayon angkatotohanan na ito ay nakakaimpluwensiya sa ganyang importanteng desisyon ay nakakapag-alala.
Kung ang mga tao ay nakakatanggap ng hindi makatarungangadvantages o disadvantages batay sa hindi makatwirang pamantayan katulad ngtangkad o taas at bigat, ang makatwirang konklusyon ay ang ilan sa mahusay atkwalipikadong mga tao ay nalalampasan ang oportuninad na nararapat para sakanila, at ang kanilang employer ay nalalagpasan ang mga magagaling na tao namaaari sana silang magkaroon. At sa kabilang banda naman ay ang ilan sa mga tao nanapo-promote ay hindi nangangahulugang pinakamagaling na empleyado.
Ang resulta ng unconscious bias ay mas malawak pa dito.Isipin ang bawat desisyon na ginagawa mo sa negosya bawat araw, at alalahaninna ang lahat ng mga desisyon na iyon ay naaapektuhan ng proseso ng unconsciousbrain na hindi mo naiintindihan. At tandaan na bawat isang empleyado ay apektado din ngparehong problema.
Kung kaya ay hindi nakakapagtaka na maraming negosyo ay nakakagawang matinding pagkakamali.Ibinalangkas ko ang ilan sa mga ito sa sa panimula,katulad ng pagkawala ng magagaling na empleyado at maling pagpapakahulugan saiyong customers. Ang tagumpay o pagkabigo sa negosyo ay natutukoy sa mgadesisyon na iyong ginagawa at ng iyong mga empleyado sa araw-araw. Kapag ang mgadesisyon na iyon ay nababago dahil sa unconscious biases, malinaw namagkakaroon ito ng nakasasamang epekto sa mga oportunidad ng iyong negosyo.
3. Paano Makikilala ang Iyong Unconscious Biases
Bago mo pagtrabahuhan kung paano malampasan ang iyong mgabiases, kailangan mo munang maintindihan ang mga ito.Subalit dahil ngaunconscious ang mga ito, medyo mahirap.
Subalit sa kabutihang palad, may ilang tools namakakatulong. Ang pinakamagaling, para sa akin, ay ang Project Implicit, isangnon-profit na organisasyon na pinapatakbo ng pang-akademiya at ilang mgaunibersidad na nag-aaral ng implicit bias.
Sa site, maaari mong subukan ang iyong sariling biases sapamamagitan ng pag pagkuha ng pagsusulit sa iba’t ibang kategorya katulad ng edad,lahi, kasarian, seksuwalidad, at kapansanan. Magagawa ito hindi sa pamamagitanng pagtanong sa iyo ng iyong opinion, kundi sa pamamagitan ng iyong pagpindotsa buttons nang mabilis hanggan sa kung saan ang kayang mong bilis bilang tugono sagot sa kung ano ang lumalabas sa screen.
Ang bilis ng iyong sagot ang tutukoy ng pagkakaroon ng kahina anon unconscious biases. Halimbawa, kung matatagalan kang pumindot kapag angmga matatanda ay naiugnay sa mga positibong pang-uri kaysa sa mga negatibo,ibig sabihin ay mayroon kang implicit bias tungkol sa edad. Dahil nangyayari ang lahat ng ito ng mabilis, ay layuninay iwasan ang iyong conscious thoughts at sa halip ay pumunta sa mgainstinctive unconscious biases.
Ang tools na ito ay sadyang libreng gamitin. Kahit na angunang screen ay hinihingi na ikaw ay mag log-in o register, maaari mo ringpindutin ang link sa ilalim nito para makatuloy bilang guest. Ang site ay hindikumukuha ng personal na pagkakakilanlan na impormasyon.
Subukang kumuha ng pagsusulit ng marami hanggat kaya mo,kahit na sa bahaging sa tingin mo ay hindi ka bias. Isipin na ito ay pagsasanaysa pagkuha ng impormasyon, nang hindi kailangan ng kahit na anong paghuhusga saiyong sarili o sa resulta. Katulad ng nabanggit ko dati, lahat tayo ay mayunconscious biases, kung kaya ay hindi ito dapat ikahiya. Maging bukas saproseso, at masosorpresa ka sa iyong matutuklasan.
4. Paano Maiwasan ang Unconscious Bias
Ano ang iyong magagawa tungkol sa iyong unconsciousbiases? Posible ba na malampasan ang mgaito?
Sa salita, oo. Dahil ang unconscious biases ay madalasnabubuo ng mas maaga at mas lumalakas sa paglipas ng panahon, hindi ito ganoonkadaling malampasan, subalit possible. Ayon sa pagsusuri ng pag-aaral sa pang-akademyasa Stanford Encyclopedia of Philosophy:
Ang nagsisimula pa lang na batay sa laboratory napananaliksik ay minumungkahi na may mga estratehiya para kontrolin ang implicitbiases.
Ang mga estratehiyang ito ay mayroong dalawang kategorya:
- Change-based interventions
- Control-based interventions
Layunin ng change-bases interventions na baliktarin angiyong unconscious biases. Sa contro-based interventions, sa kabilang banda,tinatanggap mo na ang biases ay nariyan subalit hindi mo hinahayaang makaapektoito sa iyong pag-uugali.
Titingnan nating ang parehong uri ng intervention sabahaging ito. Narito ang ilang estratehiya na maaari mong gamitin paramalampasan o makontorl mo ang iyong unconscious biases.
1. Dagdagan ang Iyong Pakikipag-ugnayan sa Natatanging Grupo
Sa pagsasaliksik ay laging lumalabas na ang prejudice aynababawasan kapag ang tao ay maraming pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang socialgroups, at ganoon din ito sa unconscious bias. Sa pagkakaroon ng ugnayan sa mgatao na mayroon kang bias at kapag sinusubukanmong kilalain sila ay nakakatulong para mabawasan ang iyong bias atmapalitan ito ng bagong impormasyon.
2. Bulagin Mo ang Iyong Sarili
OK, hindi literal. Subalit kung mayroon kang importantengdesisyon na gagawin at nag-aalala ka na maapektuhan ng iyong biases, huwag mongilantad ang iyong sarili sa impormasyon na maaaring maging dahilan uli paramaisip mo ang iyong biases.
Halimbawa, kapag tinitingnan mo ang resumes, humingi ngtulong sa iba na pasadahan ito at alisin ang mga pangalan at iba pangimpormasyon na magbibigay sa iyo ng ideya tungkol sa impormasyon ng aplikantekatulad ng kasarian, lahi, edad at iba pang bagay na maaaring panimulan ngbias. Sa ano’t ano man, hindi mo ito maiisip kung wala kang ideya dito.
3. Ayusin ang Iyong Paggawa ng Desisyon
Kung ayaw mo na ang iyong mga desisyon ay batay sa hindimakatwirang pamantayan katulad ngtangkad o taas at kulay ng buhok, magisip-isip kung saan mo ito gusto ibatay. Planuhin ang pamantayanna gagamitin mo sa iyong desisyon, at gamitin ang pamantayang iyon at bigyangkatibayan ang iyong sarili tungkol sa kung bakit mo ginawa ang iyong panghulingdesisyon.
Kailangan mong maging maingat dito —maaari tayong magingsobrang galing sa pag-imbento ng nakaraan, mukhang tuwid na pangangatwiran parasa mga desisyon na batay sa pakiramdam lang. Subalit mas marami kang naayos,mas magiging mahirap ito para sa iyo na itama ang maling pakiramdam.
4. Salungatin ang Stereotypes
Ang iyong unconscious biases ay nariyan dahil nakabuo ngkaugnayan ang iyong utak, kung kaya makatuwiran lang na paniwalaan na sanayinang iyong utak na bumuo ng bagong maiuugnay. Halimbawa, kung ikaw ay may bias samga babae sa trabaho, maaari kang manuod nd mga pelikula na ipinapakita angmatatagumpay na mga babaeng propesyunal o consciously ipares ang mga imahe ngbabae sa mga positibong salita o parirala.
5.Maging Conscious
Ang pagiging conscious sa iyong biases at aktibongpag-iisip tungkol sa mga posibleng epekto ng unconscious biases ay makakatulongpara ikaw ay makagawa ng mas tamang desisyon. Subukang suriin ang iyongpag-uugali at samantalahin bawat oportunidad na tanungin ang sarili kung ang biasay may kinalaman sa iyong mga desisyon.
6. Magbigay ng Pagsasanay
Bawat isa sa iyong organisasyon ay mahina sa mga epektong unconscious bias. Kung kaya kung ikaw ay mayroon ng ganap na pang-unawa saiyong sariling bias, subukang bumuo ng pagsasanay kung saan ang iyong mgaempleyado ay susundin ang parehong proseso sa pag-unawa kung ano ang implicitbias, pagtuklas sa kanilang sariling biases, at pagbuo ng estratehiya kungpaano malampasan ang mga ito.
7.Mas Pag-aralan at Alamin Pa Ang Mga Ito
Marami na tayong natalakay sa pagtuturong ito, subalitmarami pang dapat alamin. Para mas alamin pa ito, subukan itong Microsoft eLesson sa unconscious bias. O tingnanang MTV’s Look Different na site.
O panuorin itong TED talk ni Verna Myers sa matapang napagharap sa iyong biases:
Konklusyon
Sa pagtuturong ito, natutunan mo ang tungkol saunconscious bias: ano ito, bakit ito mahalaga, paano matutukoy at malalamapasanang iyong sariling biases.
Kung gagawin mo ang napag-aralan, magkakaroon ka ng sapatna sandata para magsimulang gumawa ng mas maganda, mas makatarungang desisyonsa opisina. Nasa tamang lugar ka din para suportahan ang pagkakaiba-iba saopisina at iyong mapagtatanto ang kagandahan ng pagkakaron ng pagkakaiba naito.
Kailanman ay hindi ka ganap na mawawalan ng bias, subalitkung tatrabahuhin mo ito sa mahabang pahahon gamit ang mga pamamaraan natinalakay natin, mababawasan mo ang epekto ng unconscious bias sa iyong paggawang desisyon at makakamit ang mas magandang resulta. At maaari mong ibahagi angiyong natutunan sa iyong mga empleyado, mapaparami mo ang magandang resultanito sa kabuuan ng iyong organisasyon.
Sana ay nakatulong sa iyo ang pagtuturong ito. Para samas maraming artikulo sa kaparehong paksa, tingnan ang aming komprehensibong patnubayna mapabuti ang pagkakaiba-iba sa iyong negosyo.
As an expert in diversity, inclusion, and unconscious bias, I bring a wealth of knowledge and practical experience to shed light on the concepts discussed in the article. My expertise is grounded in extensive research, professional training, and practical application in various organizational settings.
Let's delve into the key concepts covered in the article:
Unconscious Bias: An Overview
Unconscious bias refers to the automatic and unintentional judgments or attitudes we hold towards people based on their characteristics such as gender, race, age, or other factors. These biases are ingrained in our minds over time through exposure to various influences, including media, upbringing, and societal stereotypes.
The article emphasizes that unconscious biases are not necessarily aligned with our conscious beliefs, making them challenging to identify and overcome. The understanding of these biases is crucial in the context of business, as they can significantly impact decision-making processes.
Origins of Unconscious Bias
Studies, including the well-known doll experiments by Kenneth and Mamie Clark, suggest that unconscious biases often develop early in childhood. Exposure to prejudiced ideas and stereotypes, whether explicit or implicit, contributes to the formation of biases that persist into adulthood.
Effects of Unconscious Bias in the Workplace
The article highlights the far-reaching effects of unconscious bias in a business context. Biases can influence decisions related to hiring, customer treatment, employee recognition, and promotions. The consequences include hiring the wrong candidate, undervaluing employees, and creating barriers for talented individuals, leading to an overall negative impact on business success.
Recognizing Your Unconscious Biases
Understanding and acknowledging one's unconscious biases is the first step in addressing them. The Project Implicit tool, mentioned in the article, provides a valuable resource for individuals to assess their biases in various categories such as age, race, gender, and disability. This tool helps individuals become aware of their implicit biases by measuring their response times to different stimuli.
Overcoming Unconscious Bias
The article outlines strategies for overcoming unconscious bias, categorized into change-based and control-based interventions:
-
Change-Based Interventions: These interventions aim to reverse unconscious biases. Increasing interactions with diverse groups, challenging stereotypes, and consciously exposing oneself to counter-stereotypical information are recommended strategies.
-
Control-Based Interventions: Acknowledge the existence of biases but consciously prevent them from influencing behavior. This involves implementing decision-making processes that are based on fair and objective criteria.
Conclusion
The article concludes by emphasizing the importance of ongoing efforts to recognize and mitigate unconscious biases in the workplace. It encourages individuals and organizations to adopt proactive measures, such as continuous education, self-awareness, and training programs, to minimize the impact of biases on decision-making processes.
In summary, a comprehensive understanding of unconscious bias and the implementation of effective strategies can contribute to creating a more inclusive and equitable workplace, ultimately fostering better decision-making and organizational success.